Pages

Tuesday, May 11, 2010

GOVERNMENT OF THE PEOPLE, BY THE PEOPLE, FOR THE PEOPLE

Sa matagal na panahon ng pag-iral ng Gobyerno ang kapalaran ng mamamayan ay nasa kamay ng iilang personahe na pinagkatiwalaan ng taongbayan. Ang papel ng taongbayan ay nagsisimula at nagtatapos sa araw ng kanilang pagboto sa politikong kanilang napili. Hindi nakagisnan ng mamamayan na ang gobyerno ay pag-aari ng taongbayan, kaya ang mamamayan ay hindi nakikilahok sa pamamahala ng Gobyerno at sa kabilang banda walang Gobyernong nagsikap na turuan ang mamamayan na makilahok pamamahala ng Gobyerno. Hindi lamang sa pagsunod sa mga patakaran at mga batas ang tungkulin ng mamamayan, kundi dapat kasama sa pagpapasya at pagpapatupad ng programang pangkaunlaran.

Ang ganitong katangian ng pamamahala ng Gobyerno ay magaganap lamang kung ang mamamayan ay mulat na nagkakaisa tungo sa isang mithiin na magkaroon Gobyernong kinatatangian ng Good Governance, pamamahala na kasangkot ang mamamayan sa pamamagitan ng participative governance at Gobyernong bukas sa taong bayan.

Sa ganitong katangian ng pamamahala ng gobyerno higit na kaunlaran ang matatamasa dahil sa aktibong pakikilahok ng mamamayan.

Sa sitwasyon ng Marikina, napapanahon nang simulan ang peoples development. Dapat simulan na ang mga pundasyon tungo sa higit na pag-unlad. Kailangan magkaisa ang mamamayan sa isang pananaw at paninindigan sa pagsasakatuparan ng Good Governance, pangunahin ang pagtataguyod sa kampanya laban sa korapsyon at pagtataguyod ng Government of Transparency.

Kailangang kumilos ang taongbayan sa pagsusulong at pagsasakatuparan ng participative governance sa pamamagitan ng Peoples Empowerment/participation.

Magkaroon ng malawakang pagmumulat sa mamamayan, sa pamamagitan ng malawakang Edukasyon, propaganda, mga talakayan upang lalong lumalim ang pagkakaunawa ng taongbayan tungo sa pagkakaroon ng Good Governance, Transparency at People Empowerment.