Pages

Monday, June 14, 2010

MARIKINA: FOUL & BELOW THE BELT COUNCIL RESOLUTIONS, etc.

Deliberate and maliciou  BY Oscar Cinco on Monday, June 14, 2010 at 2:36pm


This is how incoming Marikina executives described the recent council resolutions passed right after allies of the incumbent administration of Marides Fernando lost in the elections.

“It is plain and simple politics designed to protect their own interests while crippling the incoming officials with less revenue for much needed social services,” newly-elected Marikina Vice Mayor Fabian Cadiz revealed yesterday.

Marikina is expected to experience financial difficulties after incumbent councilors, many of whom lost in the May elections, approved several highly controversial resolutions designed to make them look good among residents while striking a blow to the revenue stream of the incoming administration of Mayor Del de Guzman.

The controversial resolutions are the 50% discount in real property taxes from 2010 to 2013, the tax holiday given to five favored investors, and the 50% discount in garbage fees.

Cadiz also complained about several midnight initiatives undertaken to spend money unnecessarily. This includes the purchase of a parcel of land in a flood-prone area for P74 million, the interest-free loans offered to city employees, and the questionable use of calamity funds.

A barangay captain identified with the present administration expressed disappointment and frustration over recent developments that cut their budget in half. These, they say, are much needed funds for basic services and wages.

“This will mean a substantial reduction in services to the common residents of Marikina. Besides, where will we get the money to pay our people?” she asked.

Even residents can see through the charade because they say it so unnatural and out of character for a city government known for being strict and unforgiving in tax collection to suddenly reward its residents with such a going-away present out of the goodness of their hearts.

It is more out of spite and desperation that they wisely maneuver to make the incoming officials look bad, says Ed Ayala of Concepcion Uno, adding that, “they should be man enough to accept the people’s will.”

Cadiz said the present 18-member city council has extended the 50 percent real property tax discount to all city residents which will result to a loss of P300 million in annual income to the city government.

The real property tax discount resolution is supposed to lapse at the end of this month but was extended after the May elections until the end of 2013 after incumbent Vice Mayor Marion Andres, a protégée of Fernando, lost to De Guzman by a wide margin.

“The incoming administration will be handicapped because P300 million annual income will be lost plus we will be paying interest to the outstanding bank loans of the city,” said the vice mayor, who is a physician by profession.

Allies of De Guzman also complained about the ‘tax holiday’ given, also after the May elections, by the Fernando administration to favored companies because this incentive should be for new and pioneering investors as a way of enticing them to locate in the city. They pointed out that the 5 companies mentioned in the resolution are present locators that are staying put and have no plans of leaving the city. So what is the merit in that, they ask. Sources say that potential loss in income from the tax holiday could reach about P100 million.

Meanwhile, the garbage fee being collected by the city government to the big establishments was also reduced by 50 percent, in another council resolution. The total annual income for the city from garbage fees could reach to about P60 million.

Friday, June 11, 2010

NEWLY ELECTED EXECS SLAM MARIKINA’S POST-POLL TAX CUTS

MANILA, Philippines – Marikina mayor-elect Del de Guzman and vice mayor-elect Fabian Cadiz questioned yesterday the tax cuts and tax relief imposed by the incumbent city council after the May 10 polls.
Cadiz said a real property tax discount resolution, approved after the city was devastated by flash floods in September last year, is supposed to lapse at the end of this month but was extended after the May elections to the end of 2013.

“The incoming administration will be handicapped because P300 million annual income will be lost plus we will be paying interest to the outstanding bank loan of the present administration,” said Cadiz.

When De Guzman and Cadiz assume their posts on July 1, at least 1,000 casual employees of the city government would be relieved because of the absence of funds to retain them.

Cadiz accused the administration of incumbent Mayor Marides Fernando of deliberately passing the council resolution to cripple the leadership of De Guzman after incumbent Vice Mayor Marion Andres, a protégée of Fernando, lost to De Guzman by a wide margin.

But Fernando said politics has nothing to do with the extended tax relief as she assured De Guzman’s camp that she has no plans to make a political comeback in the city in the next elections.

“Anyway, the people are asking for a 60 percent tax relief for them to recover from the devastations brought about by (tropical storm) ‘Ondoy’ but we settled for 50 percent so as not to affect the delivery of other services to the residents,” Mayor Fernando said.

She claimed she left at least P1.2 billion in city’s coffers, which is enough for a one-year budget. “The city is very healthy financially. I expect Del (De Guzman) to be at the helm of the city beyond 2013, so it is now up to him to raise funds for the city,” she said.

Cadiz said the budget left in the city coffers for 2010 is only for salaries and wages of regular employees but millions of pesos for infrastructure and education have been spent by Fernando’s administration.

He said the internal revenue allotment (IRA) contribution for the city’s 16 barangays will be lessened by about P4 million to P10 million per barangay because they have been allocated by the present administration.
Allies of De Guzman also complained about the “tax holiday” given, also after the May elections, by the Fernando administration to top city investors. The tax holiday extension could reach about P100 million.
They also said the garbage fee being collected by the city government to the big establishments had been reduced also by 50 percent, in another council resolution. The total annual income for the city from garbage fees could reach to about P60 million.

Tuesday, June 1, 2010

Inaugural speech of President Benigno S. Aquino III, June 30, 2010-Quirino Grandstand

His Excellency Jose Ramos Horta,  Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile  and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court,members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas.  Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan.  Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto?  Ako rin.  Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada?  Ako rin.  Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin?  Ako rin.

Katulad ninyo ako.  Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan.  Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita.  Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito?  Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko?  Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan.  Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.
Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. kong maging isang mabuting ehemplo.  Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan.  Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas.  Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.
Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.
Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:
  • dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
  • serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
  • tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.
Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang.  Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.
Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka.  Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop.  Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice.  Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.
Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao.  We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life.  Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.
Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”
Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.
Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw.  Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.
Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.
My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity.  I am blessed by this legacy.  I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon.  Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito.  Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!