Oktobre 24, 2010, huling araw bago ang araw ng Halalan (October 25, 2010). Bagamat't ipinagbabawal na ang pangangampanya ang mga kandidato ay maraming pamamaraan na isinagawa maikutan lamang ang batas sa pangangapanya. Maraming ginawang gimik na hindi masasabing sila ang nangampanya, naglipana ang mga taong ang kanilang suot na damit ay ang mga T-Shirt na tinangap mula sa kanilang kandidato. Patuloy padin ang house to House na hindi lantaran. Sa gabi ng Oktobre 24 ng gabi, dito magaganap ang kanilang sinasabing BARILAN (ito ay pamimili o pagbabayad sa Leaders ng mga kalaban). Mapapansin mo sa inyong mga lansangan ang naglipanang mga naka-motor, sasakyan at mga naglalakad sa mga lansangan. Ang lahat ng ito ay mga Lider ng mga kandidato na binabantayan ang kani-kanilang botante para hindi na maagaw ng ibang kandidato. Iba-ibang pamamaraan para lamang maka-pwesto sa Pamahalaang Barangay.
May nabanggit ba ang inyong mga kandidato, tungkol sa mga suliranin ng inyong mga Barangay. Ang isang sigurado maraming mga planong pangako ang mga kandidato, ang tanong magagawa kaya nila?
No comments:
Post a Comment